4-DAY WORKWEEK SA BAYAN NG SUAL, IPATUTUPAD

Bubungad sa mga residente at pampublikong empleyado ng Sual ang pagbabago workweek implementation simula September 1.

Ipinag-utos ng lokal na pamahalaan ang binagong operasyon mula alas syete ng umaga hanggang alas sais ng gabi, Lunes hanggang Huwebes.

Hindi naman sakop ng kautusan ang mga frontline workers at services partikular ang Rural Health Unit, MDRRMO, at iba pa.

Inaabisuhan ang publiko sa naturang pagbabago upang hindi magdulot ng aberya sa mga kinakailangang dokumento sa mga opisina. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments