4 indibidwal na una nang naging persons of interest sa nangyaring pagsabog sa Jolo, Sulu – pinauwi na

Sulu – Inalis na sa listahan ng persons of interest ang apat na indibidwal na lumantad kahapon sa Sulu provincial police office matapos na makita ang kanilang mga mukha sa CCTV footage at ikonsiderang persons of interest ng mga awtoridad sa nangyaring pambobomba sa Jolo, Sulu cathedral.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Sr. Supt. Bernard Banac, kahapon ay malaya na silang pinauwi matapos na makapagbigay ng sinumpaang salaysay na nagsasabing wala silang kinalaman sa pagsabog.

Sumailalim aniya sa beripikasyon ng mga awtoridad ang mga pahayag ng apat na indibidwal at nang makumpirmang totoo ang mga ito ay pinauwi na sila lanat kagabi.


Una nang kinilala ni PNP ARMM Regional Director Police Chief Supt Graciano mijares ang apat na indibidwal na sina Alshaber Arbi isang guro, Gerry Isnajil isang estudyante.

Habang ang dalawa pa ay kinilalang si Alsimar Mohammad Albi, 24 anyos residente ng Purok 6 Brgy. Busbus Jolo, Sulu na siyang nakasuot ng itim na shirt na makikita sa CCTV footage.

At Julius Abdulzam Albi, 17 anyos residente ng Brgy. Zone 3, Brgy. Takut takut Jolo, Sulu na nakasuot ng kulay asul na polo shirt sa CCTV footage.

Sa ngayon, patuloy ang imbestigasyon ng joint inter agency task force upag matukoy ang totoong salarin sa malakas na pagpapasabog na ikinasawi ng 21 indibidwal at pagkasugat ng nasa isang daan.

Facebook Comments