4, iniwang patay ng bagyong Crising at habagat habang 4 na katao, nawawala

Naitala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang 1 kumpirmadong nasawi sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Crising at habagat.

Sa datos ng NDRRMC, ang biktima ay 21 taong gulang na lalaki mula sa Matin-ao, Surigao Del Norte kung saan nabagsakan ito ng puno.

Tatlo naman ang for validation pa na mula sa Northern Mindanao at Davao Region habang nakapagtala din ng 3 sugatan at 4 na nawawala.

Sa pinakahuling datos ng NDRRMC, nasa 132,835 na pamilya ang apektado o katumbas ng mahigit 420,000 mga indibidwal mula sa 1,029 na mga barangay sa 16 na rehiyon sa bansa.

Samantala, marami paring lugar sa bansa ang lubog sa baha kung saan karamihan dito ay mula sa Gitnang Luzon, mayroon ding naitalang landslide, storm surge, at ipo-ipo.

Kaugnay nito, tuloy-tuloy ang pamahalaan sa pagbibibay ng ayuda sa mga apektadong residente kung saan nasa mahigit ₱-30M halaga na ng relief goods ang naipamahagi.

Facebook Comments