4 KABATAANG CAUAYEÑO, KABILANG SA TOP 15 FINALIST NG GAWAD ULIRANG KABATAAN

Cauayan City – Pasok Sa Top 15 Finalist ng Governor Rodito T. Albano III Gawad Ulirang Kabataan sa lalawigan ng Isabela ang 4 na kabataan mula sa Lungsod ng Cauayan.

Kinilala ang 4 na proud Cauayeño na sina Joffer T. Acacio, Cromwell T. Cruz, Mark A. Duque, at Kevin D. Reforzado.

Nito lamang ika-27 ng Agosto, sumailalim sa masusing Interview ang 15 ulirang kabataan kung saan kabilang sa mga kumilatis sa kanila ay sina Atty. Noel Manuel Lopez, Provincial Administrator sa lalawigan, Atty. Elizabeth Cureg Binag, Provincial Information Officer sa lalawigan, si DILG Provincial Director Engr. Corazon D. Torobio, Child and Youth Rights Advocate Jessie James Geronimo, at ang 2015 Gawad Ulirang Kabataan Youth Awardee na si Jhonly R. Cacho.


Nakatakdang bigyan ng parangal ang 10 Outstanding Youth Volunteers ganunrin ang Most Outstanding Youth Volunteer sa lalawigan ng Isabela sa magaganap na Gawad Ulirang Kabataan Awarding Ceremony sa darating na ika-31 ng Agosto.

Facebook Comments