4 Katao, Arestado sa Pagsusugal!

Cauayan City, Isabela- Arestado ang apat na katao matapos maaktuhang nagsusugal sa isang bahay sa Barangay Capacuan, Sta Praxedes, Cagayan.

Ang mga nahuli ay kinilalang sina Marieta Rivera, 60 anyos, may-asawa, Marilyn Rivera, 28 anyos, may-asawa, Briguida Lumabao, 44 anyos, at Joel Buenavista, 45 anyos, may-asawa, na pawang mga residente ng nasabing lugar.

Naaktuhan at nadakip ang mga ito matapos makatanggap ng impormasyon ang Sta Praxedes Police Station mula sa isang concerned citizen kaugnay sa paglalaro ng mga ito ng “Pares-pares” gamit ang baraha.


Narekober sa lugar ang isang (1) set ng baraha at pera na nagkakahalaga ng Php312.00.

Dinala ang mga suspek at nakumpiskang item sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments