4 Katao, Arestado sa Pagtutulak ng Droga!

*Aurora, Isabela- *Timbog ang apat na tulak ng droga sa inilatag na Drug Buy Bust Operation ng mga Otoridad pasado alas diyes ng gabi, March 22, 2019 sa Brgy. Sta.Rosa, Aurora, Isabela.

Kinilala ang mga nadakip na sina Ace Fernandez, 33 anyos, magsasaka, residente ng Brgy. Sta.Rosa, Aurora, Isabela, James Bryan Pascual, 24 anyos, Leonardo Candelario, 33 anyos, Alfredo Minranda, 40 anyos, pawang mga magsasaka at residente ng Brgy Malasin San Mateo, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 RMN Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), nagpositibo ang transakyon ng mga otoridad sa apat na suspek kung saan nakumpiska sa mga ito ang isang plastic bag na naglalaman ng mga tuyong dahon ng marijuana, isang libong pisong buy bust money, dalawang sumbrero at isang charger.


Dinala na sa himpilan ng PNP Aurora, Isabela ang mga suspek maging ang mga nakumpirmang items para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang apat na naaresto.

Facebook Comments