4 Katao, Huli sa Pagsusugal!

145

*Naguilian, Isabela- *Arestado ang apat na kalalakihan matapos maaktuhan sa pagsusugal sa Brgy. Minallo, Naguilian, Isabela.

Kinilala ang mga nadakip na sina Jaylord Dumengdeng, 22 anyos, Pactrick Guzman, 20 anyos, Ricky Malsi, 24 anyos, pawang mga residente ng Sta. Maria, Isabela at Billy Rey Glorioso, 31 anyos na residente naman ng Brgy. Casibarag Norte, Cabagan, Isabela.


Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), nadakip ang mga suspek nang magsagawa ng anti-illegal gambling operation ang mga kasapi ng Naguilian Police Station kung saan huli sa paglalaro ng drop ball ang mga nasabing suspek.

Nakumpiska ng mga otoridad ang pera na nagkakahalaga ng mahigit limang daang piso, dalawang piraso ng plastik na basket, apat na pingpong balls, isang betting table, walong betting boards at dalawang funnel.

Dinala na sa kustodiya ng Naguilian Police Station ang mga suspek maging ang mga nakumpiskang item para sa kaukulang dokumentasyon at inihahanda na ng pulisya ang kasong paglabag sa PD 1602 o Illegal Gambling na isasampa laban sa mga suspek.

Facebook Comments

From Advertisers