4 Katao kabilang ang 2 Menor de Edad, Nasamsaman ng mga Iligal na Pinutol na Kahoy!

Cabagan, Isabela- Natimbog ang apat na indibidwal kabilang ang dalawang menor de edad matapos masamsaman ng mga iligal na kahoy na ikinarga sa isang Elf Truck bandang alas sais y medya kaninang umaga sa Brgy. Garita, Cabagan, Isabela.

Ang mga nadakip ay kinilalang sina Joel Ramos, sisenta anyos, drayber at may-ari ng elf truck, Raffy Maddawin, trentay kwatro anyos at parehong mga residente ng brgy. Casibarag, Cabagan, Isabela at kasama rin sa mga nadakip ang dalawang menor de edad na itinago sa pangalang “Jun-jun” at “Jay-ar”.

Nadakip ang mga suspek sa isinagawang Anti-Illigal Logging Operation ng PNP Cabagan kasama ang CIDG Region 2, PIB-IPPO at Isabela Environment Protection Task Force sa naturang lugar kung saan nakumpiska mula sa mga suspek ang hindi pa matukoy na uri at bilang ng mga pinutol na kahoy na isinakay sa Elf Truck na minamaneho ni Maddawin.


Nasa kustodiya na ng PNP Cabagan ang mga suspek na mahaharap sa kasong Paglabag sa PD 705 o Paglabag sa “Revised Forestry Code of the Philippines.”

Facebook Comments