4 Katao Patay Sa Pamamaril Sa Cotabato City Kahapon

29

COTABATO – Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Cotabato City PNP kaugnay ng naganap na pananambang kahapon sa 4 katao kasama ang dalawang menor de edad dito sa Cotabato City. Kinilala ang mga biktima na sina Rahimah Tan Macarido 40 anyos, kapatid nitong si Sansiya Tan 12 , anak na si Halil Macarido 11 at isang Jun Jun , driver ng sinakyan nilang habal habal motorcycle.Ayon kay City PNP Dir. Sr. Supt. Raul Supiter, nangyari ang pamamaril dakong alas 2:30 ng hapon kahapon sa Shariff kabunsuan Boulevard Cotabato City. Galing sa City Jail ang mag anak upang bisitahin ang mister na nakakulong .Pauwi na sana ang mga biktima sakay ng habal-habal ngunit hindi paman sila nakakalayo ay tinambangan na sila ng mga salarin.On the spot na namatay sa ang mga biktima .Nakarekober naman ang mahigit sa 20 empty shells mula sa caliber 45 at 9mm pistol sa crime scene ang mga otoridad.Rido o away pamilya ang tinitingnang anggulo ngayon ng kapulisan ng lungsod ayon pa kay Col. Supiter.

Facebook Comments