4 katao patay sa pamamaril sa Pigcawayan, North Cotabato

37

Kinilala na ang mga nasawi sa nangyaring kaso ng pamamaril sa Pigcawayan North Cotabato pasado alas sais kaninang umaga Salahudin U. Usman, residente ng Brgy Simsiman, Pigcawayan, North Cotabato, Sahabudia Kato Latip, 42 residente ng Nuling Sultan Kudarat , Maguindanao , Nor Ibrahim S. Baraguir ng Sultan Kudarat Maguindanao, at Muhalidin Esmail Amolan, 28 residente ng Sultan Kudarat, Maguindanao.

Nagtamo ng multiple gunshot wounds ang mga biktima. Narecover sa crime scene ang isang caliber 45 pistol , mga bala nito at 38 basyo ng Armalite.


Malaki ang posibilidad na nagkapalitan pa ng putok ang mga biktima laban sa mga suspeks base sa imbestigasyon ng PNP.

Sakay ng Innova ang mga nasawing biktima patungo ng Cotabato City ng paulanan ng bala ng di umanoy mga sakay rin ng SUV ayon pa kay Pigcawayan MPS COP Major Ivan Samoraga.
I

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon habang nasa isang punerarya na ang mga bangkay.(D.A)

RADYOMAN LEO VAR PIC

<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>




Facebook Comments