Naaresto ng Criminal Investigation and Detention Group (CIDG) ang apat na katao sa magkahiwalay na operasyon bisa ng search warrant sa mga bayan ng San Nicolas at Tayug.
Sa ekslusibong panayam ng IFM News Dagupan kay CIDG Pangasinan Provincial Unit Team Leader PMaj. Vlademir B. Canapi, kumpirmadong ilang mga uri ng baril at pampasabog ang nakumpiska mula sa mga ito.
Sa San Nicolas, nakuha mula sa isang suspek ang Improvised shotgun, caliber 45 pistol, magasin, 3 live ammunition, at isang hand grenade.
Nakuha rin sa pagmamay-ari ng tatlong suspek sa Tayug ang intratech machine gun 9mm, magasin ammunition, caliber 45 pistol, revolver, ammunition, at hand grenade.
Nagpapatuloy ang pagproseso ng dokumento sa inquest proceedings para sa isasampang reklamo laban sa mga ito. Samantala, nasa kustodiya rin ng awtoridad ang mga nakumpiska para sa tamang disposisyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨