Batay sa ulat ng Police Regional Office 2, kinilala ang mga suspek na sina Jake Taruc, 28-anyos; Jonard Torrecer, 21-anyos; Ariel Pimentero, 21-anyos; at Ariston Doniego, 35, pawang mga residente ng Barangay Pattao, Buguey, Cagayan.
Lumabas sa inisyal na imbestigasyon ng Gonzaga Police Station, lumikha ng eksena ang mga suspek habang sila ay nag-iinuman at ilang saglit ng magpaputok umano ng baril ang suspek na si Taruc na nagdulot ng takot sa mga tao sa lugar.
Sinubukan umano tumakas ng suspek ngunit naharang ito ng mga awtoridad sa nakalatag na Anti-Criminality and COMELEC Checkpoint.
Nakumpiska sa pag-iingat ng mga suspek ang 1 unit of caliber .45 na may 12 live ammunitions; 1 empty magazine; isa pang unit ng Caliber .45 na may 7 live ammunitions; 1 magazine loaded with 7 live ammunitions; 1 holster; 1 knife with scabbard; 4 cellular phones; 2 wallets na naglalaman ng identification cards at mga dokumento; 1 Toyota Hilux; at cash na nagkakahalaga ng Php 19,100.00.
Samantala, narekober ng pulisya ang labingtatlo (13) na basyo ng bala na sinasabing mula sa kalibre 45 sa lugar.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 10591, Omnibus Election Code (Gun Ban) and Alarms and Scandals.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng PNP ang mga nahuling suspek.