4 Magbabarkada, Patay nang Bumangga ang SUV sa Poste ng Kuryente

43

Cauayan City, Isabela-Binawian ng buhay ang apat (4) na magbabarkada na sangkot sa nangyaring aksidente sakay ng isang puting SUV dakong 11:18 kagabi sa Balzain Highway, Centro 12, Tuguegarao City, Cagayan.

Kinilala ang mga nasawi na sina Fidel Baldos, tubong Apayao; Alvin Dela Cruz ng Sto. Niño, Cagayan; Patrick Desuasido, tubong Bicol Region at Kenneth Maggay ng Caggay, Tuguegarao City na kapwa mga nasa hustong edad.


Habang maswerte namang nakaligtas ang driver nito na si Rowel Bambilla na residente ng Cabatacan, Lasam, Cagayan.

Ayon sa report ng PNP, binabagtas ng drayber ng puting SUV na may plakang UIL230 at mga kasamahan nito ang timog na direksyon at mawalan ng kontrol sa manibela hanggang sa bumangga sa isang poste ng kuryente.

Dahil sa tindi ng pagsalpok, nabangga rin ng sasakyan ang dalawa (2) pang nakaparadang SUV

Nabatid na nasa impluwensya ng nakalalasing na inumin ang drayber na si Bambilla ng maganap ang aksidente at magtutungo sana sa isang coffee shop ang mga ito.




Inihahanda na ngayon ng mga otoridad ang kasong isasampa laban kay Bambilla.

Facebook Comments