4 Menor de Edad, Sugatan matapos Mabangga ng Motorsiklo

10

Cauayan City, Isabela- Apat na menor de edad na pawang mga siklista ang sugatan matapos aksidenteng mabangga ng motorsiklo kagabi sa pambansang lansangan ng Brgy. San Fernando, Alicia, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Angelo Gallarin, 28-anyos, may asawa, isang laborer at residente ng Purok Fortune, Brgy. Aurora, Alicia, Isabela.


Lumalabas sa imbestigasyon ng Alicia Police Station, kasalukuyan ang pagpapahinga ng grupo ng bikers sa gilid ng daan nang aksidenteng mabangga ng suspek lulan ng kanyang motorsiklo ang mga siklista.

Nagtamo ng sugat ang mga menor de edad gayundin ang suspek pero tumanggi ng magpadala ito sa pagamutan.

Tinatayang nasa edad 15 hanggang 17-anyos ang mga biktima mula sa ibang mga lugar.

Nabatid na nasa impluwensya ng nakalalasing na inumin si Gallarin ng mangyari ang insidente.



Nakatakdang mag-usap ang mga magulang ng mga menor de edad at suspek habang ikinostodiya muna si Gallarin.


Facebook Comments