
Apat na motorista ang sugatan sa magkahiwalay na aksidente sa La Union kahapon at kaninang madaling-araw.
Kahapon, aksidenteng nagkasalubungan ang isang tricycle at 4-wheeler na sasakyan matapos umanong lumagpas sa linya ng tricycle sa kahabaan ng McArthur Highway sa Barangay Sta. Fe, Agoo.
Sa datos ng pulisya, kinilala ang mga sakay ng tricycle bilang isang 24-anyos na driver at 62-anyos na pasahero na parehong dinala sa ospital matapos ang insidente.
Dahil dito, nagtamo ng pinsala ang parehong sasakyan at inaalam pa ang kabuuang halaga ng pinsala.
Kaninang madaling-araw naman, dalawang motorsiklo ang aksidente ring nagkabanggaan sa kahabaan ng National Highway sa Barangay Ili Sur, San Juan.
Ayon sa imbestigasyon, bumagal umano sa ang isang lisensyadong motorista ng aksidenteng nabangga umano sa likurang bahagi ng isang estudyanteng walang lisensya.
Sa pangyayaring ito, parehong nasaktan ang mga motorista at dinala sa ospital upang suriin at isailalim sa alcohol test.
Nasira rin ang parehong motorsiklo at tinataya pa ang halaga ng pag-aayos o pagpapalit ng mga ito.
Patuloy ang imbestigasyon ng kapulisan sa dalawang insidente upang matukoy ang eksaktong dahilan ng mga aksidente at maipatutupad ang kaukulang hakbang para sa kaligtasan ng mga motorista. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










