4 na atletang hindi nakadalo sa Heroes parade, natanggap na ang cash incentives sa Malacañang

Screenshot from RTVM

Tumanggap ng P2 million at pagkilala mula sa pamahalaan ang apat na Filipino athletes na sumabak sa 2024 Paris Olympics.

Ito ay sina Dottie Ardina na sumabak sa golf competition, at ang mga gymnast na sina Aleah Cruz Finnegan, Emma Malabuyo, at Levi Ruivivar.

Ang P1 million ay mula sa Office of the President habang ang P1 million ay galing sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).


Samantala, hindi naman nakadalo si Bianca Pagdangan na sumabak din sa golf competition dahil nagsimula na itong mag-training.

Matatandaang nagpahayag ng pagkadismaya si Ruivivar matapos umanong hindi ito maabisuhan ng pamunuan ng Gymnastics Association of the Philippines (GAP) sa courtesy call at heroes’ parade.

Pero ngayon ay nagpasalamat si Ruivivar dahil mismong ang opisina ng pangulo ang nag-ayos ng courtesy call nila.

Facebook Comments