4 na Babae sa Tumauini, Isabela, Huli sa Sugal!

Tumauini, Isabela- Natimbog ang apat na kababaihan matapos maaktuhang nagsusugal sa brgy Liwanag, Tumauini, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, kinilala ang mga naaresto na sina Jemma Baquing, kwarenta anyos, Rosalina Manual, singkwentay singko anyos, Jemalyn Dollente, trenta anyos, at Maribel Agpaoa, trentay dos anyos na kapwa residente ng naturang lugar.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang kanilang mga ginamit na cards at pera na nagkakahalaga ng mahigit isang libong piso.


Dinala na sa PNP Tumauini ang mga nahuli maging ang mga nakumpiska para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon habang inihahanda naman ng PNP ang kasong kakaharapin ng mga ito.

Facebook Comments