4 na babaeng miyembro ng Ativan Gang, arestado matapos mambiktima ng isang Japanese national sa Intramuros

57

Manila, Philippines – Arestado ang apat na babae na miyembro ng “Ativan Gang” matapos na biktimahin ang isang Japanese national na kanilang inagawan ng bag sa Intramuros, Maynila.
Kinilala ang mga suspek sina Luciana Lopez, Gina Pusing, Rosalie Sison at Elma Matas.
Pilit na inagaw ng mga suspek ang bag ng biktimang si Naoko Saito, pansamantalang nanunuluyan sa Manila hostel boutique, sa Makati city na naglalaman ng mahahalagang gamit at credit card at dolyar.
Nagsisigaw ang biktima na nakaagaw ng atensiyon ng nagpapatrolyang mga tauhan ng Intramuros Police Community Precinct kaya hinabol ang apat na suspek hanggang sa sila ay maaresto.

Facebook Comments