4 na bagong Court of Appeals justices, pormal nang nanumpa sa tungkulin

Manila, Philippines – Nanumpa na sa pwesto ang apat na bagong talagang mahistrado ng Court of Appeals (CA).

Si Chief Justice Lucas Bersamin ang nagpanumpa sa tatlo sa mga bagong justice na sina dating Manila RTC Judge Alfredo Ampuan, Quezon City RTC Judge Angelene Quimpo-Sale at Makati RTC Judge Carlito Calpatura.

Hiwalay na nanumpa naman kay Associate Justice Diosdado Peralta si dating San Mateo, Rizal RTC Judge Lily Biton.


Dumalo rin sa oath taking si dating Chief Justice Teresita De Castro.

Ang mga bagong justices ay itatalaga sa Cebu at Cagayan De Oro stations ng CA.

Umaabot sa animnaput-siyam ang kabuuang mahistrado ng appellate court.

Binubuo ang appellate court ng 17 Division sa Maynila, tatlo sa Cebu at tatlo rin sa Cagayan de Oro.

Facebook Comments