Sumailalim sa closed-door orientation at briefing ang mga bagong halal na senador, ilang araw bago sila maupo sa Mataas na Kapulungan.
Apat lamang sa pitong bagong senador ang dumalo sa seminar na idinaos ngayon araw sa Kamara. Kabilang dito sina Senator-elect Christopher “Bong” Go, Imee Marcos, Francis Tolentino at Ronald “Bato” dela Rosa.
Kasama din sa pagpupulong ang kani-kanilang mga staff.
LOOK: Orientation for newly elected senators and their staff. pic.twitter.com/ybD51fXzKt
— Senate of the Philippines (@senatePH) June 25, 2019
Pinangunahan ni Senate Secretary Myra Marie Villarica ang orientation. Mula 9:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali ang seminar.
Samantala, hindi pumunta sina Bong Revilla, Pia Cayetano at Lito Lapid na pawang mga mambabatas noon.
Ang orientation-workshop ay isang tradisyon para sa mga senate neophytes upang maging pamilyar sa panuntuan at proseso sa paghahain ng panukalang batas, polisiya tuwing sesyon, programa ng Senado, iba’t-ibang serbisyo at security measures.