Taguig City – Nasunog ang apat na bahay sa Daang Hari Street, Purok 4, Barangay Tuktukan, Taguig City.
Nagsimula ang apoy sa bahay ni Cristina Dela Peña pasado bago mag-alas-2:00 kaninang madaling araw at nadamay ang mga katabing bahay na pawang gawa sa light materials.
Inabot ng ikalawang alarma ang sunog at tuluyang naapula pasado alas-3:00 ng madaling araw kung saan hindi pa malaman ang dahilan nito at halaga ng mga ari-arian na natupok.
Bahagyang nahirapan ang mga bumbero na apulahin ang apoy dahil sa makitid ang daanan pero wala namang naitalang nasugatan o nasaktan sa insidente.
Facebook Comments