4 na bangkay na napatay sa “bloody operation” ng pulis noong Linggo, isasailalim sa otopsiya

Hinihintay nalang ang release order upang tuluyan nang mailabas ng punerarya ng Antipolo Memorial Homes ang bangkay nina Melvin Dasigao, Mark Lee Bacasno, Randy dela Cruz at Puroy Dela Cruz.

Ang apat na bangkay ay dadalhin sa Philippine General Hospital (PGH) upang isailalim sa otopsiya makaraang hilingin ng pamilya na magkaroon ng independent autopsy.

Una rito, nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng Philippine National Police (PNP), militar at abogado ng mga biktima matapos ipresenta ni Atty. Efraim Cortez ang mga papeles o dokumento na nagpapatunay na maaari nang ilabas ang apat na bangkay.


Matatandaan na simula pa kagabi ay hindi pinahintulutan lumabas sa naturang punerarya ang pamilya ng apat na bangkay na nakalagak sa Antipolo Memorial Homes kung saan kanina lamang alas-11:00 ng umaga pinayagang lumabas ng PNP Antipolo ang naturang mga pamilya pero ang bangkay hanggang ngayon ay nasa loob pa rin ng punerarya.

Facebook Comments