Patuloy ang pagbabantay ng Philippine Coast Guard (PCG) sa mga Pilipinong mangingisda sa Bajo de Masinloc.
Ayon sa PCG, sa pagpapatrolya ng BRP Malapascua at BRP Sindangan ay kinumusta nila ang mga mangingisda roon at namahagi rin sila ng mga pagkain at gamot.
Samantala, tatlong barko ng China Coast Guard (CCG) at isang barko ng Chinese Navy ang namataan ng PCG sa kasagsagan ng kanilang operasyon.
Tiniyak naman ng PCG na hindi sila patitinag sa banta ng China lalo na’t sakop ito ng teritoryo ng Pilipinas.
Ginawa ng PCG ang mas mahigpit na pagbabantay kasunod ng polisiya ng China na arestuhin ang mga dayuhang maglalayag sa kanilang inaangking teritoryo.
Facebook Comments