4 na barko ng PCG, lumahok sa marine pollution exercises sa Indonesia

Biyaheng Indonesia ang apat na barko ng Philippine Coast Guard (PCG) para makilahok sa marine pollution exercises.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni PCG Rear Admiral Bobby Patrimonio, commander ng Marine Environmental Protection Command na ang partisipasyon sa event na ito ng Pilipinas ay inaasahang magpapalakas sa ugnayan ng PCG at sa kanilang Indonesia at Japan counterparts.

Ayon kay Patrimonio, masusubukan nito ang kakayahan o interoperability ng ating mga barko at mga kagamitan.


Layon din nitong mapagtibay ang pagsasanay ng mga personnel ng PCG ng Indonesia Coast Guard para kung sakaling magkaroon ng insidente ng transboundary oil spill ay alam ng magkabilang pwersa kung papano ito matutugunan.

Facebook Comments