
Na-rescue ng mga operatiba ng AlengPulis Cybersquad ng Women and Children Cybercrime Protection Unit ang apat na menor de edad, dalawa dito ang babae at dalawa ding lalaki na mula sa umano’y online child abuse sa isang operasyon sa Pulilan, Bulacan, nitong July 12, 2025.
Ang operasyon ay isinagawa katuwang ang Pulilan Municipal Social Welfare and Development Office, kasunod ng ulat kaugnay sa umano’y pang-aabuso sa mga bata online.
Batay sa ulat, nagsimula ang aksyon matapos makatanggap ng referral mula sa National Center for Missing and Exploited Children hinggil sa paglabag sa Section 10 ng Republic Act No. 7610 (Special Protection Against Child Abuse, Exploitation, and Discrimination Act of 1992), kaugnay ng RA No. 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012.
Kasunod nito, sinabi ng Philippine National Police (PNP) Anti-Cybercrime Group na hindi sila titigil sa pag-aresto at pagpapanagot sa mga nang-aabuso sa mga kabataan.









