4 na batch ng iba’t ibang brand ng COVID vaccines, darating ngayong araw sa bansa

Inaasahang darating sa bansa ngayong araw ang halos 5 million doses ng iba’t ibang brand ng COVID-19 vaccines.

Karamihan ito sa binili ng gobyerno ng Pilipinas habang ang 5,000 doses ng Sputnik V Light ay donasyon ng Russia sa bansa.

Bago mag-alas-10:00 ngayong umaga ay darating ang 1,306,000 doses ng Moderna vaccines na binili ng Philippine goverment.


Habang pasado alas-9:00 naman mamayang gabi darating ang 609,570 doses ng Pfizer na binili rin ng Pilipinas.

Samantala, bago naman mag-alas-2:00 mamayang hapon dadating ang 2,805,000 doses ng Sputnik V na binili rin ng pamahalaan.

Facebook Comments