Tinukoy ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA 12 ang apat na mga bayan sa lalawigan ng North Cotabato na may taniman ng marijuana.
Ito ay ang mga bayan ng Arakan, mga hangganan ng Pikit, Aleosan at Carmen.
Ayon kay PDEA12 Regional Director Naravy Daquiatan, ang mga nasabing iligal na droga ay ina-angkat sa ibat-ibang mga lugar sa loob at labas ng North Cotabato gamit ang pampubliko at pribadong mga sasakyan maging ang mga motorsiklo.
Napag-alaman na abot sa 25 hanggang 150 pesos ang bentahan ng kada gramo ng tuyong dahon ng marijuana sa rehiyon 12.(Daisy Mangod)
Facebook Comments