4 na bayan sa Pangasinan tutukan ng PNP

Lingayen Pangasinan – Apat na bayan ang nasa listahan ng Pangasinan Provincial Police Office na babantayan sa nalalapit na midterm eleksyon. Sa panayam ng IFM Dagupan kay Pangasinan Provincial Police Director Wilson Lopez sinabi nito na ang byan ng Sual, Pozzorubio, Sto. Tomas at Alaminos City ang mga nasa orange category na bibigyan ng ispesyal na atensyon sa pagbabantay sa halalan.

Isinailalim ang mga bayan na ito dahil sa malakas na tunggalian ng pulitika. Sa ngayon sapat ang bilang ng pulis na magsisilbi sa darating na halalan sa lalawigan at magkakaroon pa ng karagdagan na mangagaling sa Armed Forces of the Philippines at nagpapatuloy ang pagsasagawa ng massive checkpoints sa buong Pangasinan.

Umaapela si Lopez na samahan ang kapulisan sa pagsupil ng mga krimen sa nalalapit na halalan at huwag kalimutang manalangin para sa mapayapang eleksyon.


Facebook Comments