4 na BIFF sumuko sa 6th ID

67

Apat na di umanoy nagpakilalang mga myembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Figthers under Kagi Karialan Faction ang sumuko sa military ngayong araw.

Kinilala ang mga ito sa alias na Mista , Magtuyo , Abdul at Rahab na sinasabing napagod na sa pakikipagdigma sa gobyerno. Isinuko rin ng mga ito ang kanilang mga baril na kinabibilangan ng armalite, rpg at garand.

Sumuko ang mga ito sa liderato ni 1Mech Batallion Commnder LTC OLIVEROS, at Army Intelligence Operatives sa Ampatuan Maguindanao.

Matatandaang tila nagbanta na ang 6th ID sa lahat ng mga naghahasik ng kaguluhan sa kanilang AOR na sumuko o harapin ang mas pinalakas na law enforcement operation ng military

Samantala agad namang pinabulaanan ni Abu Amir, tagapagsalita ni Kagi Karialan ang mga impormasyong gawa gawa lamang ng military sa panayam ng DXMY.

Facebook Comments