4 na biktima ng human trafficking na nagtangkang umalis ng bansa, naharang ng BI

Naharang ang apat na biktima ng human trafficking sa Clark International Airport matapos umanong magpanggap na mga turista ang mga ito na tutungo sana sa Bangkok.

Ayon kay Bureau of Immigration (BI) Commisioner Norman Tansingco, sobra ang kanyang pagkadismaya dahil ang mga ito ay na-recruit lamang sa Facebook na magtrabaho sa ibang bansa.

Aniya, paulit-ulit na lamang daw ang ganitong pangyayari, magaganda kasi ang mga background ng mga biktima ngunit kinagat pa ang pagtatrabaho sa hindi lehitimong kompanya.


Kalaunan ay inamin ng mga ito na inalok sila ng trabaho bilang mga customer service representative (CSR) at sasahuran ng $800 kada buwan.

Samantala, daan-daan naman na ang na-repatriate na na-modus na mga Pinoy at inihahanda na ang kasong isasampa laban sa kanilang recruiter.

Facebook Comments