Bigong mailusot ngayon sa Member of Parliament (MP) ang alternative plan ni British Prime Minister Theresa May para sa pagkalas ng United Kingdom (UK) sa European Union (EU).
Ito ay matapos na hindi paboran ng mga MPs ang mga mosyon ni May na kinabibilangan ng Customs Union, Norway Style Arrangement at UK Single Market.
Ang agreement ay bahagi ng Brexit deal na napagkasunduan nina May at ng Brussels na siyang nagtatakda ng halaga ng perang ibabayad ng UK sa EU bilang settlement.
Kasama na rin dito ang mga detalye ng transition period at mga arrangement para sa Irish backstop.
Nitong Biyernes ay nabigo na naman si May na masuyo ang mga MPs sa kanyang Brexit plan.
Facebook Comments