4 na bus stop, bubuksan ngayong araw dahil sa pansamantalang pagsasara ng MRT-3

Inihayag ng pamunuan ng Department of Transportation (DOTr) na meron apat pang bus stop na bubuksan ngayong araw upang tulungan ang mga pasahero ng MRT-3.

Ayon kay DOTr Undersecretary for Railways Timothy John Batan, ang mga bus stop na ito ay sa may kahabaan ng median lane, kung saan pwede magbaba at magsakay ang mga MRT-3 bus augmentation at EDSA Carousel sa Main Avenue, Santolan, Ortigas at Guadalupe.

Naunang binukasan ang mga bus stop sa MRT-3 sa may North Avenue Station, Quezon Avenue Station, Ayala Station at sa Taft.


Maliban dito, sinabi ni Batan na pwede rin gamitin ang mga mini loop mula Timog papuntang Ortigas kung saan pwede magbaba at magsakay sa curbside o malapit sa may sidewalk.

Ang MRT-3 Bus Augmentation na mayroong 90 na bus at EDSA Busway na meron naman 190 buses at may biyaheng Monumento hanggang Quezon Avenue at Estrella, at mula Estrella papuntang PITX na pwede ring magbaba at magsakay ng pasahero sa curbside.

Kahapon, inanunsyo ng MTR-3 na limang araw na sarado ang operasyon nito dahil sa mabilis na pagdami ng infected ng mga maggagawa nito na umabot na ang kabuuang bilang sa 186 confirmed cases ng COVID-19.

Facebook Comments