Manila, Philippines – Dead on the spot ang apat na buwang gulang na sanggol matapos na barilin sa noo ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Barangay Tikalaan, Talakag, Bukidnon kahapon.
Ayon kay Supt. Lemuel Gonda, ang tagapagsalita ng PNP Region 10, nangyari ang pamamaril sa sanggol na nakilalang si Machorao Malysha alas -5:30 ng hapon kahapon.
Maliban sa sanggol, sugatan naman sina Ali Citi, 53-anyos na nagtano ng tama ng bala ng baril sa kanyang kanang suso at Ali Aminsalam, 37-anyos na nagtamo rin ng tama ng bala ng baril sa kanyang kanang braso.
Sinabi ni Gonda na sakay ang mga biktima ng kulay gray na Toyota Fortuner na plate number UNI 707 nang tambangan ng mga miyembro ng NPA.
Sa pananambang ng NPA napatay rin ang isang pulis at sugatan ang apat pa.
Kinilala ang nasawing pulis na si SPO3 Arnel P. Carillo habang ang sugatan ay kinilalang sina Police Inspector Joven Acuesta ang Chief of Police ng Bombaran Municipal Police Station sa Lanao Del Sur, SPO1 Pacifico Cabudoy, PO1 Nathaniel Ibal at Alexander Maniscan.
Ang mga sugatang ito ay patuloy na ginagamot sa mga ospital sa Bukidnon at Cagayan De Oro.