
Arestado ng National Bureau of Investigation (NBI) ang 20 indibidwal kabilang na ang 4 na Chinese nationals at 16 na Pilipino sa Pasay City.
Ito ay dahil sa kanilang pagkakasangkot sa operasyon ng cryptocurrency scamming hub sa isang condominium sa Pasay City.
Ayon sa impormante, kinuha siyang empleyado ng nasabing scamming hub bilang Customer Service Representative.
Kinumpirma nito ang scamming activity ng grupo kung saan binibiktima ng mga ito ang mga dayuhan mula sa Asia, Europe, at iba pang mga bansa.
Ang mga naarestong suspek ay nahaharap sa mga kasong paglabag ss Anti-Financial Account Scamming Act, Economic Sabotage, paglabag sa Anti-Illegal Gambling Act, Cybercrime Prevention Act at Misuse of Devices.
Facebook Comments









