Hindi na pumalag pa ang apat na Chinese national matapos makorner ng mga otoridad ang kanilang sinasakyan na sakay umano ang isang pang Chinese national na plano sana nilang kidnapin.
Nakilala ang apat na tsinong suspek na sina La Jiao, 25 – anyos, Yang Yang, 26 -anyos, Ji Mu, 29-anyos, at Wen Lin, 24 -anyos.
Kasama rin sa hinuli ang driver ng sasakyan na Filipino na sina Arnil Cortez Abejo, 38-anyos at si Jay Maris Herminio Deborja, 34-anyos.
Ayon kay Police Colonel Regelio Simon, Hepe ng Makati City PNP, nakatangap sila ng tawag mula sa mga tauhan ng Barangay Pio Del Pilar, kung saan nangayri ang umano’y pag-kidnap sa isang Chinese national.
Aniya, nakita sa CCTV monitor ng mga tanod ng nasabing barangay na may kaguluhan na nangyayari sa kahabaan J. Victor St. Corner Roosvel Ave. kaya agad silang nakipagugnayan sa Makati Police.
Pasado alas-8:30 ngayong umaga nangyari ang paghuli sa mag suspek sa nasabing lugar, at narekober ng mga pulis ang sasakyang ginamit ng mag suspek na nakarehistro sa isang Feiyi Huang na nakatira sa Pasay City.
Pahayag naman ng biktima na si Huang Wei, 33-anyos, isang Chinses national, na handa siayng magsampa ng kaso laban sa mga suspek kaugnay sa allege adbuction at physical injury.