Namataan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang apat na People’s Liberation Army Navy (PLAN) ng China 12 nautical miles ng Palawan nitong June 19, 2024.
Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Col. Xerxes Trinidad 2 sa PLAN vessels ay natukoy na destroyer Luyang III (DDG-168) at frigate Jiangkai II (FFG-570) na may bilis na 13 knots patungong timog kanluran.
Ang 2 pa aniyang warship vessels na destroyer Renhai (CG-105) at replenishment oiler Fuchi (AOR-907) ay na-monitor dakong alas-3:56 ng hapon na may bilis na 15 knots na patungo ring timog-kanluran ng Palawan.
Bilang bahagi ng standard operating procedure agad nagsagawa ng radio challenge ang ating tropa at nang tumugon ang China sinabi nilang madalas itong ginagamit o dinaraanan ng international vessels na dumadaan sa kanilang katubigan.
Ani Trinidad, ang kanilang pagresponde sa nasabing aktibidad ay bahagi ng kanilang commitment para palaganapin ang maritime domain awareness at protektahan ang ating teritoryo, soberenya at sovereign rights.
Tiniyak din ng Sandatahang Lakas na mananatiling silang vigilante upang mapangalagaan ang ating maritime interests.