4 na Coast Guard Special Operations Force divers, nagsasagawa ngayon ng conduct underwater operation sa lumubog na motor tanker sa Mariveles, Bataan

Apat na Coast Guard Special Operations Force (CGSOF) divers ang nagsasagawa ngayon ng underwater operation sa lumubog na motor tanker Jason Bradley sa Mariveles, Bataan.

Bahagi pa rin ito ng ginagawang draining sa 5,500 liters ng diesel oil mula sa motor tanker.

Una na ring nilagyan ng oil spill boom ang bahagi ng karagatan kung saan lumubog ang motor tanker.


Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), aabutin ng dalawang linggo ang salvaging operation sa motor tanker Jason Bradley na lumubog nitong July 27.

Facebook Comments