4 na Concurrent Resolution patungkol sa paggawad ng amnestiya sa ilang rebeldeng grupo, in-adopt na sa Kamara

Pinagtibay na sa Kamara ang apat na House Concurrent Resolution bilang suporta sa pagbibigay amnestiya sa ilang rebeldeng grupo.

In-adopt sa Mababang Kapulungan ang House Concurrent Resolution Nos. 12, 13, 14 at 15 na tumutukoy sa pagbibigay ng amnestiya sa mga rebel groups na MILF, MNLF, Rebolusyonaryong Partido ng Manggagawa ng Pilipinas/Revolutionary Proletarian Army/Alex Bocayao Brigade at Communist Terrorist Group (CTG).

Ayon kay House Majority Leader Martin Romualdez, paraan ito ng pakikiisa ng Kamara sa pagsisikap ni Pangulong Rodrigo Duterte na makamit ang peace and reconciliation sa bansa.


Nanawagan naman si Romualdez sa mga mga dating rebelde na samantalahin ang amnestiya at tuluyan nang iwan ang armadong pakikibaka.

Ang pag-apruba sa mga resolusyon ay bunsod na rin sa Proclamations 1090, 1091, 1092 at 1093 ni Pangulong Duterte na naggagawad ng amnesty sa dating mga miyembro ng rebeldeng grupo na lumabag sa Revised Penal Code at special penal laws bunsod ng kanilang mga politikal na paniniwala.

Facebook Comments