Ginagamot ngayon sa East Avenue Medical Center ang apat na construction worker matapos na mahulog sa gumuhong scaffolding sa ginagawang gusali sa EDSA Cubao, Quezon City.
Ayon kay Eric Bartolo, kasamahan ng apat na biktima, nagulat na lamang sila nang bumigay ang scaffolding na kinatutuntungan ng apat na mga construction worker.
Nasa limang metro ang taas ng pinanggalingan ng nahulog na mga trabahador.
Sa ngayon, sabi ni Bartolo ay nasa ligtas nang kalagayan ang mga ito.
Ang gusaling ginagawa ay ang Activa Building na matatagpuan sa kahabaan ng EDSA Cubao Northbound malapit sa kanto ng Aurora Boulevard, Cubao, QC.
Facebook Comments