4 na Dayuhang Ahente ng Sasakyan, Natagpuang Patay sa Loob ng Sasakyan sa Cagayan!

3337

Cauayan City, Isabela- Kasalukuyan ang isinasagawang pagsisiyasat ng mga otoridad sa natagpuang bangkay ng apat (4) na kalalakihan na nakasilid sa loob ng isang Honda City na may plakang DAD 3558 partikular sa sementeryo sa Barangay Villarey, Piat, Cagayan.

Base sa pakikipag-ugnayan ng mga pulis sa pamilya at kaanak ng mga biktima ay kanilang tinukoy ang apat na kalalakihan na sina Michael Eugine Romero, residente ng Masbate St. Bago Bantay, Quezon City; Christian Kaibigan, residente ng Balintawak, Lipa City, Batangas; Joel Bolado, residente ng Tanguay Loob, Lipa City, Batangas at Rommuel Quinan, na taga Avenue East Rembo, Makati City at Fairview Quezon City.


Lumabas sa unang imbestigasyon ng pulisya, Mayo 18, 2020 ng umaga nang umalis sa Lipa City sina Joel Bolado at Christian Kaibigan upang ipagkasundo ang isang Toyota Fortuner na may plakang DAJ 7470 sa Tuguegarao City.

Nang makarating sa Metro Manila ang dalawa ay isinakay ang dalawa pa nilang kasama na sina Michael at Rommel Quinan patungo sa Lalawigan ng Cagayan.

Dumating ang mga biktima sa Tuguegarao City noong May 19, 2020 ng gabi ay nag-inuman ang mga ito sa isang warehouse subalit kinaumagahan, May 20, 2020 ay natagpuan na lamang ang kanilang bangkay malapit sa sementeryo kung saan dalawa sa apat na biktima ay isinako at inilagay sa likod ng kanilang tinted na sasakyan.

Tinutunton na ng mga otoridad ang bodega kung saan nag-inuman ang mga biktima na posibleng doon din isinagawa ang krimen.

Posibleng may kaugnayan sa trabaho ang tinitignan ng pulisya na motibo sa pagpatay sa apat na ahente.




Facebook Comments