4 na drug suspek nahuli sa Muntinlupa at Parañaque City

Manila, Philippines – Arestado ang dalawang lalaki matapos makuhanan ng hinihinalang shabu sa Crispin Extension, Sitio Rizal, Barangay Alabang, Muntinlupa City.

Kinilala ang mga suspek na sina Michael Callada, trenta y uno anyos, at Joshua Abarro, benre anyos parehong mga basurero.

Ayon sa Muntinlupa Police, unang sinita sina Callada at Abarro nang makitang naglalakad sa kalsada nang halos hubo’t hubad.


Nang kapkapan, narekober sa kanila ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu.

Sa Parañaque naman, timbog ang dalawang lalaki sa ikinasang buy-bust operation sa Honteveros Compound, 4th State, Brgy. San Antonio.

Kinilala ang mga suspek na sina Brian Samudio, bente sais anyos, at Albert Benites, trenta y uno anyos kapwa walang trabaho.

Narekober kina Samudio at Benites ang apat na sachet ng hinihinalang shabu at P300 na buy-bust money.

Kwento ng mga otoridad, mga bagong tukoy na drug personalities pa lamang sina Samudio at Benites.

Facebook Comments