4 na European countries, ligtas sa tigdas – WHO

Apat na European Nations na ang ligtas mula sa sakit na tigdas.

Ayon sa World Health Organization (WHO), ito ay ang mga bansang Albania, Czech Republic, Greece at United Kingdom.

Labis na nakakahawa ang sakit na tigdas na madalas ay nagiging dahilan ng pag-ubo, rashes at lagnat.


Maaari namang maiwasan ang naturang sakit gamit ang MMR vaccine na kasalukuyang libre para sa mga bata sa UK.

Idinedeklara namang measles-free ang isang bansa sa oras na wala nang endemic transmission dito sa loob ng 12 buwan o isang taon.

Facebook Comments