4 na foreign nationals, hindi pinapasok ng bansa ng Bureau of Immigration

Pinigilang makapasok ng bansa ng Bureau of Immigration (BI) ang 4 na dayuhan kamakalawa.

Sa Laging Handa public press briefing sinabi ni Dana Sandoval ang tagapagsalita ng BI na makaraang suriin ang mga dokumento ng 4 na dayuhan ay hindi sila pinahintulutang makapasok dahil sa kakulangan sa tamang mga dokumento.

Ani Sandoval sa sandaling makita ng Bureau of Quarantine na hindi tugma sa guidelines ng Inter-Agency Task Force (IATF) o nagkaroon ng falsification sa mga dalang dokumento ng mga dayuhang pasahero, tulad ng vaccination cards, saka ito iti-turn over sa Bureau of Immigration na siya namang magpapatupad ng exclusion proceedings laban sa mga ito.


Hindi naman na nabanggit pa ni Sandoval kung taga saang mga bansa ang apat na foreign nationals.

Kaya paalala nito dapat ay fully vaccinated ang mga foreign nationals na papasok sa bansa dala ang accredited vaccination certificate at iba pang mga dokumento.

Facebook Comments