4 na hinihinalang NPA patay sa engkwentro sa pagitan militar sa Rizal, Occidental Mindoro

Nasawi ang 4 na rebelde sa pakikipag-engkwentro sa militar sa Sitio Surong, Brgy. Aguas, Rizal, Occidental Mindoro.

Ayon kay Southern Luzon Command Commander Lt. Gen. Antonio Parlade Jr., nangyari ang engkwentro kaninang alas 6:00 ng umaga.

Nasa 20 armadong miyembro ng New People’s Army (NPA) ang nakaharap ng 203rd Brigade ng Philippine Army kung saan 30 minuto ang itinagal ng bakbakan.


Sa ngayon, hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan ng mga nasawi.

Wala namang namatay sa panig ng mga militar.

Narekober ng mga sundalo sa pinangyarihan ng sagupaan ang 8 high powered firearms.

Facebook Comments