4 na indibidwal at corporate taxpayers, kinasuhan ng BIR sa DOJ

Manila, Philippines – Sinampahan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ng kasong tax evasion sa Department of Justice (DOJ) ang apat na Manila-based individual at corporate taxpayers.

Ang mga kinasuhan ay sina Edwin Sugay Santiago, Best Outlet Trading Company, Marps King Trading Corporation at Pschent Corporation gayundin ang kani-kanilang corporate officers.

Si Santiago ng Edwin S. Santiago Enterprise ay may tax liability na halos 3.8-million pesos, habang ang Best Outlet Trading Company naman nina Merlinda Barroga at Jocelyn Mariano ay may tax liability na 45-million pesos.


Hinahabol naman ng BIR ang Marls King Trading Corporation na naka-base sa Malate, Maynila at ang presidente nito na si Sonal Ramchandani at treasurer na si Gulab Ramchandani dahil sa tax liability na P2.1 million

Aabot naman sa P4.1 million ang tax liability ng Pschent Corporation dahil sa hindi nabayarang income tax at VAT noong 2008.

Ayon sa BIR, napadalhan nila ng mga notice at demand letter ang respondents subalit hindi tumugon ang mga ito.

Facebook Comments