Tinangay ng nasa 10 miyembro ng komunistang teroristang New Peoples Army kabilang ang isang amasona ang apat na inidibidwal kabilang ang Brgy. Chairman ng Brgy. Malo Bansud Oriental Mindoro.
Ayon kay PNP MIMAROPA Spokesperson Police Col Socrates Faltado alas 8:00 ng gabi kagabi ng tangayin ang mga biktima sa Brgy. Malo Bansud Oriental Mindoro.
Kinilala ang mga ito na sina Raymund Malupa, residente ng Brgy. Mabuhay, Socorro, Oriental Mindoro; Louie Mebdinille, Ricky Capillo, at Brgy. Chairman Peter Delos Santos; mga residente ng Brgy. Malo, Bansud, Oriental Mindoro.
Dinukot sila ng mga NPA na nakasuot pa ng military uniform na tumakas kasama ang mga biktima sa direksyon patungo sa sitio Sawmill at sitio. Anaw, ng brgy Malo.
Sa report na nakuha ng PNP si Barangay Chairman Delos Santos ay kilalang supporter incumbent at re-electionist Mayor Angel Saulong ng munisipyo ng Bansud.
April 4, 2019 nakatanggap ang brgy. chairman ng extortion text message at pagbabanta mula sa NPA.