4 na indibidwal na pumila sa birthday community pantry ni Angel Locsin, nagpa-swab test

Apat na residente sa Quezon City na nakasama sa birthday community pantry ni Angel Locsin ang sumailalim sa COVID-19 testing.

Ayon kay Dr. Rolando Cruz, head ng City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU), tatlo sa mga ito ay asymptomatic o hindi nakitaan ng sintomas.

Pero, isa ang nakakaranas ngayon ng pananakit ng ulo, pagkawala ng pang-amoy at panlasa.


Ayon pa kay Cruz, limang araw ang average incubation period ng COVID-19 at ito na ang ikalimang araw magmula nang mangyari ang itinuturing na super spreader event ng aktres.

Pinayuhan ng CESU head ang lahat ng nakibahagi sa naturang mass gathering na magtungo sa CESU office at magpasailalim sa COVID testing.

Kailangan aniyang magpa-book ng appointment via online sa http://bit.ly/QCfreetest o sa CESU Facebook page na https://www.facebook.com/QCEpidemiologyDiseaseSurveillance/.

Maaari ding tumawag sa QC Contact Tracing Hotlines: 8703-2759, 8703-4398, 0916-122-8628, 0908-639-8086 and 0931-095-7737.

Facebook Comments