Nakapagtala ang Philippine National Police (PNP) ng 4 na insidente ng indiscriminate firing.
Sa datos ng PNP, naganap ang indiscriminate firing nitong December 25, araw ng Pasko, sa Northern Samar, Abra at Leyte.
2 sa mga nasangkot sa iligal na pagpapaputok ay miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at 2 naman ang sibilyan.
Ang mga ito ay nasa kustodiya na ngayon ng mga pulis matapos maaresto.
Sila ngayon ay nahaharap sa reklamong illegal discharge of firearms at alarm and scandal.
Samantala, muling pinaalalahanan ng PNP ang kanilang nga tauhan na maging responsable sa paggamit ng baril.
Nagbabala rin ang PNP sa mga pribadong gun owner na huwag masangkot sa indiscriminate firing kung ayaw nilang matanggalan ng lisensya.
Facebook Comments