4 na insidente ng pagsadsad ng vessel sa katubigan ng Zambales, naitala

Isang dredging vessel ang sumadsad sa bahagi ng Bocao River sa Botolan, Zambales.

Ayon sa ulat ng Philippine Coast Guard (PCG), ito na ang ikaapat na non-propelled vessel na sumadsad sa probinsya dulot ng nagdaang Bagyong Carina at habagat.

Apat ang sakay na crew nang mangyari ang insidente.


Sinabi pa ng PCG na hindi nasunod ang kanilang mga babala bago tumama ang bagyo na magtungo muna sa ligtas na lugar.

Sa kabila nito, ligtas naman at na-rescue ang lahat ng mga tripulanteng sakay sa apat na insidente ng pagsadsad ng vessel.

Facebook Comments