4 na international flights ng PAL, kanselado dahil pa rin sa volcanic eruption sa Japan

Apat na international flights ng Philippine Airlines (PAL) ang kinansela ngayong araw dahil sa volcanic eruption sa Japan.

Kabilang sa kanselado ang PAL flight PR-427 mula Narita patungong Manila na naka-schedule sana mamayang alas-4:45 ng hapon.

Kanselado rin ang flight PR-437 mula Nagoya na nakatakdang dumating sa Manila ng alas-5:00 ng hapon.


Gayundin ang mula Kansai to Manila na dadating sana ng alas-6:15 mamayang gabi.

Habang ang mula Haneda na naka-schedule sana dumating sa Manila ng alas-6:30 mamayang gabi ay kanselado rin dulot ng abong ibinubuga ng Fukutoku-Okanoba submarine volcano sa Japan.

Facebook Comments